mula sa traditional way of living as a christian, ay unti-unti naming nakita ang nais ng Dios, ito ay nag pasimula noon paman, maraming revival ang dumating...cell church, prophetic, house church, g12 , purpose driven at kung ano ano pa...ngunit ang pag mamahal ko sa Dios ay nanatili....noon pa man ay pilit kong tinitingnan ang malabong litrato para sa akin ng tunay na pag lilingkod, ito ba ay sa pamamagitan ng galing ng isang leader (para sa kaalaman ng lahat ako ay nag pastor mahigit kumulang sa 18 taon) sa murang edad na 14 ay nangaral ako ng salita ng Dios sa lugar ng aurora, at lumikha ng awit sa taong 10, lingid sa lahat ang lihim ng aking pag ibig sa Panginoon ay malalim ngunit sa pamamagitan ng mga sari-saring palamuti ng kaalaman at pag-aaral ng salita ng Dios ay lalong lumabo ang lahat, mabuti pa nga noong unang pagkakilala ko sa kanya, aking naiintindihan ang simple at makapangyarihang salita ng Dios "lumapit tayo sa kanya, tayong lahat ng napapagal at nabibigatang lubha at tayo ay kanyang pagpapahingahin!
ito ang aking unang hakbang kaya, ako nagpatuloy sa Panginoon!
ang lahat ng mga bagay na alam kong hindi magiging kalugod-lugod sa Dios ay tinallikuran ko, ngunit pag dating ng ilang panahon, nawala ang kulay at ganda ng aking tinitingnang larawan? ito ba ay dahil sa kumplikadong mga kulay na aking nakikita? o ito ay dahil sa hindi natin pananatili sa salita ng Dios na nagbibigay ng tunay na larawan ng Dios sa pamamagitan ni Kristo?
salamat sa Dios na nagbibigay ng kaunawaan at ng biyaya, nag bubukas ng mata ng ating mga puso! Eph.1:18-19
sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay nakita natin ang di matitigang liwanag ng Dios na siyang umiilaw sa puso ng bawat mananampalataya..mahabang paglalakbay man ang aking naranasan, natutuwa ako ay nakita ang daan patungo sa kanya..hindi sa isang relihiiyong paraan, kundi sa araw-araw na pag mamahal sa Dios at sa kapwa...mat.5:7-8, ang mga salitang ito ng Panginoong Hesus ang maging pundasyon ng ating pananampalataya!
Tags:
Share
You need to be a member of Watchman Prayer Network to add comments!
Join this social network